pay as you order..
Masaya sa mga panahong ganun..parang walang ibang inaaalala sa mundo..blanko, wala lang. kung may pumasok man, lalabas din at puputok na parang bula..hindi mo ito papansinin, kahit gano kalaki ang tama niya, dahil alam mong mas dapat pinagtutuunan ng pansin ang kasalukuyan. Alam mong sandali lang ay matatapos din yun, pero kahit ganon, ayos lang. Paminsan-minsan pa nga, ang sasabihin mo lang sa sarili mo, "wala akong pakialam, masaya ako ngayon, saka na yan, bahala na." Madalas to eh, taking things as they come..
Pero hanggang dun lang yun eh, pagkalipas ng panahong pinakaiingatan, babalik na ang kamunduhan. Ang mga alalahanin, problema, pasakit at iba pa. Sayang, sana hindi nalang natatapos ang mga panahong ganon. Pero sabi nga nila, life must go on. Masahol man yan o hindi, tanggapin nalang. Live with it. Hay nako, wala talaga akong sense kahit kailan..
Halos tatlong linggo na simula ng huli akong magpost dito, sabi ko noon ayoko pa. Ayoko pang magkolehiyo, ganong ganon ang nararamdaman ko noon, walang pakialam, bahala na, pag dumating nalang. Eh pano ba yan, eto na siya. Ang tanging hiling ko nalang ay huwag mangyari ang kinakatukan ko. Alam mo na siguro yon. Kung hinde, malamang, wala kang pakialam..
Base sa mga kasalukuyang pangyayari, masasabi ko naman na kahit papano ay ok pa ang buhay kolehiyo, malamang puro bakante, leche yan, mag aalas onse palang ng umaga, ala una pa ang susunod kong klase. Six thirty palang nga andito nako eh. Kasalukuyan akong nasa tapat ng UST, sa may kalye ng espanya, sa isang computer shop, kasama ang isang skulmeyt sa busko. Halos isang oras lang naglast ang 7 - 11 kong klase. Asus..
Masyado nako hindi mapakali, ewan ko kung bakit, siguro dahil wala parin akong maramdaman na paramdam simula kaninang umaga nung umalis kami papunta sa eskuwelahan. Limang sakay ako para makarating ng ust. Sikreto ko na muna kung bakit, dahil 3 lang ang normal. Masaya ang umagang papunta sa iskwela. Sobra. Sana nga kahit wala pang alas sais yon magtrapik nalang ng todo todo. Hay..
Malala na tong pakiramdam na to, wala lang. Komplikado eh. Naiinggit ako in a sense na gusto ko rin maenjoy tong mga unang araw nato tulad nung sayo..Hindi ikaw, basta..
Malapit ko na rin matanggap ang mga pangyayaring to. Dahil alam kong may kapalit din ang kasiyang nadudulot ng lahat ng ito. Kaysaya ng ganitong klaseng kalayaan, kahit alam kong panandalian lang ang iba sa mga ito, lulubusin ko na ang sayang dinudulot nito sakin..sana sayo din..Gusto ko na ulit magbukas ng umaga..