LSS?
Eto nanaman.. ang tagal nang hindi naguupdate, wala talaga oras, well, meron, pero tong batang to, sinusumpong ng katamaran, sa totoo lang, bakit pa? Wala namang nagbabasa dito eh, naisipan ko lang maglagay ngayon kasi nakita ko ung tag nia..hehe..^_^
Madalas akong parang si beethoven, kilala mo un, ung sikat na composer na european ata, bingi siya, pero ang gaganda ng compose nia, nung panahon na yun maganda, pero ngayon? Syempre ang corny. Si beethoven kasi, madaming mga tono ang umiikot ikot sa kanyang utak, tapos, ung mga paligoy ligoy na tonong yun, nagagawa niang isang magandang 'masterpiece'. Ang galing nga eh, biruin mo, bingi, nakakacompose. Astig diba?
Pero bat ko nga ba naihalintulad ang sarili ko sa kanya? Pucha ang kapal ko naman.. hindi ako genius composer, malamang, hindi rin ako nakakarinig ng musika sa utak ko, at mas lalong hindi ako bingi.
Kasi, imbis na musika ang naririnig ko, mga salita. Tagalog na salita, parang nagnanarrate tungkol sa buhay. Madalas ko itong maranasan pag nasa jeep ako, nakatingin ng malayo, dahil sa sobrang trapik sa may JRU, at acacia lane. Wala lang, parang may nagnanarrate sa utak ko, nagsasabi ng mga katotohanan sa buhay, ung mga masasaklap at magagandang pangyayari sa bawat buhay ng tao. Para itong LSS, kaya nga lang, hindi kanta, mga salita lang tlaga, pero syempre may sense.
Kaninang umaga, papunta ako ng school, namp, ang trapik, nandun pa nga lang sa may shell may pila na ng jeep, ayon, tinopak nanaman ako. Hindi lang mga tungkol sa buhay in general ang mga naririnig ko, sa totoo lang, di ko nga boses un eh, boses ni Jorge, ung bida at best actor nominee sa pelikulang zatti na Tanggapin Mo, directed by Javerri. Ang nagnanarrate naman kanina sa aking utak, past experiences ko, may mga realizations na dumadaan, pag ginana ako, siguro ilalagay ko ung partikular na yon. Tungkol san? San pa ba, edi dun sa bagay na masaya. Pero may kinalaman ang isa ko ditong kaibigan na kinaaasaran ko pero nevertheless kaibigan padin. Eh basta, un na un.
Nakakaasar nga eh, madalas pag ako nagaganun, parang gusto kong itype lahat ang naiisip ko dito, mas masarap un, kasi mababasa ko ulit, at malay mo, may makakita pang iba at maasar sakin. Edi ok.
Pero hindi pwede, minsan nga naiimagine ko na balang araw, lahat ang pumapasok sa utak natin ay naisasave sa isang memory card na nakapasok sa ating katawan, tapos, kapag malapit ka nang mamatay, [pero siguro di ka na mamamatay dito no, kung may ganung teknolohiya nga eh, edi malamang nadiskubre na nila ang pagiwas kay kamatayan..] pwede mo siyang tingnan, pagnilayan. Magreflect kung baga. Kung pwede lang sana, lahat ang naiisip ko, nailalagay na agad dito, para di na magtatype, tapos automatic entry. O diba masaya yun. Pero pano kung galit na galit ka?
Edi puro nakacensored lahat ang nakatype sa automated mind blog mo [wow may pangalan...XD], tapos makikita pa ng ibang tao ang kasamaan mo, kahayupan ng ugali mo. Eto pa masaklap dun, pano kung isang araw ay may nakita kang chicks[EHEM...], edi syempre, kung ano ano na papasok sa isip mo, tapos maitatayp din un sa AMB mo, amp, patay patay ka nian, edi isipin ng tao lahat ng kalibugan mo.
At mas masaklap pa kung may gf ka at madalas niang binabasa ang mga e
ntry mo. [hi cha, miss na kita... ]
Sige na, ambaho nga naman ng idea ko, imahinasyon, mas madaming maidudulot na kasamaan to. Mapapatunayan nga ng sistema na ito na lahat ng tao ay may lahing backfighter. Dahil, isipin mo, lahat naman ng tao, napapagusapan din ng ibang tao diba? Sikulo lang yun. Kaya sa mga tao dian..[eheeeeemmm...] na galit sa mga bf, tignan mo muna sarili mo ha? Wag magmalinis, madumi ka din, pare pareho tayo. Kaya nga naliligo ang tao diba?
Entry ko to dati sa tabulas, medyo edited na din.. pero.. eto..
Wala nga namng nagbabasa eh, pero, salamat na din if ever..magandang araw po..
0 Comments:
Post a Comment
<< Home