black is deaf and full of it..

Sunday, April 24, 2005

Palabas..

Oras na.. eto na pinakahihintay mo.. bata, eto na siya..

"sa wakas! matagal tagal na din ako nagantay.. eto na nga.."

Isip ng bata..di rin maikukubli na talagang sabik na sabik na ang bata..sa itsura ng kanyang matagumapay na mukha, masaya nga siya..naku, kahit naman ikaw eh..matutuwa ka din at masisiyahan pag malamang mong ikaw na nga, dahil alam mong nagantay ka din ng may pagkatagal tagal..sa bagay, iba iba sa lahat ng tao eh, depende lang yan sa kapalaran..merong mga sandali lang nagaantay, merong ding medyo matagal.

Pawis na pawis ang bata, wari bay kinakabahan, gusto na talaga nitong makaraos..di na siya makapagantay, nagmamadali, parang hinahabol ni kamatayan kung maghubad. Ang bilis! Maaalala mo ung scene sa pelikulang bruce almighty, nung nahubad ang damit sa isang iglap lamang. Brip nalang ang kanyang tinira. Ganito ba talaga ang nagagawa ng pagkasabik?

Hawak na nia, halos ga-daliri nalang ang layo, wah! pero ano to?! Di na napigilan ng bata, sa sobrang sabik at antisipasyon.. lumabas! lumabas ang.. ano.. basta lumabas! dire diretso ang labas nia, di nia man lang napigilan..patay! patay! ano nalang ang sasabihin nia!?

"@$T@#!%#*&!! Leche naman oh!"

Sigaw ng bata, hiyang hiya siya, biruin mo, sa pagkatagal tagal ng kanyang pagaantay, andiyan na eh, onti nalang, halos mabibilang nalang sa segundo ang tagal, di pa nia napigilan..normal ba ito? palagay niay hindi, nakakahiya talaga..

"Waaaahhh!! Bat lumabas agad! .........

Kay malas mo naman bata, onti nalang, andian na talaga. Ang bobo mo naman kasi eh, ayan na nga eh, andami mo pa arte, tingnan mo ginawa mo! Di ka na nahiya! Ano nalang sasabihin ng gelprend mo nian sayo? Aba! Di marunong magpigil! Tsk tsk tsk.. madami ka pang dapat matutunan..

Katorse anyos kana! NATATAE KA PA SA BRIP MO?!

1 Comments:

At 5:53 PM, Blogger CHArlene said...

ahhahah. :p

 

Post a Comment

<< Home