Bakit nga ba?!
Linggo. Pinatulog ako ng maaga, sa kadahilanan na kelangan ko kasi uutusan daw ako bukas ng aking tatay para sa kanyang trabaho. Asar. Nakausap ko ang ate ko ng mga hanggang ala una ng umaga, masakit kasi ulo nia. Pero alas tres na ko ng umaga nakatulog...ang galing no. Ang masaklap pa dun, alas siyete palang ay ginising na ako. Sobrang sarap ng tulog ko, parang di nga ako natulog eh. Ampucha, anlupet. Lunes ng umaga, pinapunta ako sa 2 bangko, may mga ibinayad at iba pa. Nakauwi ako ng mga pasado alas diyes. Pagdating ng mga ala una, nagpaalam ako sa aking tatay para pumunta sa glorietta kasama si Ralph. Bumili kami ng bolang pang soccer. Umuwi din kami agad, masakit kasi tiyan ni loko, sinamahan pa ako. Alas kuwatro, andito nako sa bahay. Kumain pa kami sa wendy's. Halos ubos na pera ko, pero ok lang naman siguro. Siguro. Naabutan din ako ng antok, at alas nuwebe palang ng gabi ay umakyat na ako sa kama. Nakatulog ako, pero nagising ako ng alas diyes, at hindi na nakatulog hanggang ala una ng umaga. Nawala na ang pagkakaalam ko sa oras, hindi ko alam kung tama ang araw ng mga nakasulat dito, ah basta. Bat ba ganito..
Martes na. Hindi talaga ako makapaginternet ng regular, sukat banamang tanggalin ang modem ng pc ko. Di ko na ibabalik, baka masira at sisihin ako. Madami panamang trabaho. Buti nalang at inassemble tong pangatlo, kaya eto ako ngayon. Swertehan nalang. Sana di makita mga ginawa ko dito. Hehehe..
Miss ko na siya talaga. Hay naku, ewan ko ba. Masasabi mo din na lagi naman, pero ganun eh. Miss na.. sobra. Medyo nakakasawa na nga to pakinggan, diba lagi na lang to naririnig kapag di kau nakakapagusap o di naman kaya ay nagkikita ng iilang, sabihin na nating, mga segundo, minuto, oras, araw, o linggo. Parang nagiging pang araw araw nalang na gawain ang sabihin ito, parang, kung marinig mo, wala lang. Siguro nga. Para sa iba, sa akin hindi eh. Masyadong komplikado ang mga nararamdaman ko, pero eto sigurado, pag sinasabi ko ito, totoo. Ibig sabihin, di ako mapakali kasi gustong gusto ko siya makausap man lang o makita. Di siya matanggal sa isip ko, at hindi ako makapagisip ng maayos dahil dito. Bakit kaya ganito?!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home