black is deaf and full of it..

Monday, May 23, 2005

ayoko pa..

eto po ang green na background..

malapit na matapos ang mga kasiyahan sa bakasyon..

malapit na mawala ang mga pinagpupuyatang gabi..

on the contrary, baka nga dumami pa eh..

naghihintay na siya, nakabukas ang pintuan..

malapit na tayo papasukin..

ayoko pa, mauna nalang kayo sa linya..

pero meron bang gusto mauna?

meron din siguro, mga halimaw sa pagaaral..

ako, hindi, wag nalang, dito nalang muna ako..

lulubus lubusin ang mga kakarampot na pagkakataon..

malapit na, malapit na.. ayoko pa..

Monday, May 09, 2005

i dont know..

The past few days have really been, utterly unexplainable. I dunno, they were, I feel a certain fit of anxiety every now and then, and, as if by a stroke of luck, a bit..responsible? I cant get the term right, but, its this feeling that I want to do everything I really am supposed to do in the least time possible. Ugh, I really cant believe that, I mean, me? So I have just realized that I CAN be a bit of a helper sometimes.. SOMETIMES..

This anxiety can kill, once unleashed, I have got this inkling sense of preboding, i really dont know, but I really want to get out and do something, get out of this house..escape those responsibilities, the chores, work, everything. I rarely get this feeling, it only comes when theres something up, and indeed, somethings definitely up. Im in the right category, but still I have to point it out specifically. But of course, I really know what I want to do, definitely, no questions. But the catch is, the one that I am referring to is the one which is the hardest to do of them all, it has the lowest success rate, I have the lowest luck in doing it and preparing of it, and as of the moment, should I try to do it, it is very likely that Im going to become the most insensitive prick of a son a mother has ever raised. Overruled, too much, too metaphorical. But as they say, you cant have too much of a good thing..[huh?!]

I sort of have a summer job, doing messenger stuff, pretty easy, although I am supposed to be paid for it, I still haven't received anything..but no matter, I think letting me go to spend a day with my girlfriend and giving me money to spend on it is more than enough. I just wish I have more of the work, so I can be allowed to go again, should the current situations allow it. My mother still isnt that well, there is the occasional hurting of the stitches in the stomach, but I think more rest would do the trick, as of the moment its the only reason that is hindering me from getting out and doing the things I want, see her, play football, go out with some friends, eat goto.. ah, the pleasures. Simple pleasures at that. I rarely get those pleasures now, so rare, even the 9/11 attack was more of a common thing, even if it only happened once. Now how freaking exaggerated was that statement. What a moron, the one whos writing this shit.

If ever you read this part, in any way possible, whether by reading it word for word or just a scan, its pretty obvious. what i wanted to do, stated in the 2nd paragraph, explained in the third, told here..I want to see my ate again, in any place possible, any time available..Patience..my only comrad..help me through this..

May Angal?!

Friday, May 06, 2005

wala lang..


holding hands
hand holding - you like to be in constant physical
contact with your special someone but you don't
want to take things too quickly.


oo, napakatotoo neto.. iba talaga kasi ang dating sakin neto eh..
parang, pag kahawak mo kamay nia, nakakawala talaga ng problema..
a mere slice of heaven.. definitely..





What Sign of Affection Are You?
brought to you by Quizilla

LSS?

Eto nanaman.. ang tagal nang hindi naguupdate, wala talaga oras, well, meron, pero tong batang to, sinusumpong ng katamaran, sa totoo lang, bakit pa? Wala namang nagbabasa dito eh, naisipan ko lang maglagay ngayon kasi nakita ko ung tag nia..hehe..^_^

Madalas akong parang si beethoven, kilala mo un, ung sikat na composer na european ata, bingi siya, pero ang gaganda ng compose nia, nung panahon na yun maganda, pero ngayon? Syempre ang corny. Si beethoven kasi, madaming mga tono ang umiikot ikot sa kanyang utak, tapos, ung mga paligoy ligoy na tonong yun, nagagawa niang isang magandang 'masterpiece'. Ang galing nga eh, biruin mo, bingi, nakakacompose. Astig diba?

Pero bat ko nga ba naihalintulad ang sarili ko sa kanya? Pucha ang kapal ko naman.. hindi ako genius composer, malamang, hindi rin ako nakakarinig ng musika sa utak ko, at mas lalong hindi ako bingi.

Kasi, imbis na musika ang naririnig ko, mga salita. Tagalog na salita, parang nagnanarrate tungkol sa buhay. Madalas ko itong maranasan pag nasa jeep ako, nakatingin ng malayo, dahil sa sobrang trapik sa may JRU, at acacia lane. Wala lang, parang may nagnanarrate sa utak ko, nagsasabi ng mga katotohanan sa buhay, ung mga masasaklap at magagandang pangyayari sa bawat buhay ng tao. Para itong LSS, kaya nga lang, hindi kanta, mga salita lang tlaga, pero syempre may sense.
Kaninang umaga, papunta ako ng school, namp, ang trapik, nandun pa nga lang sa may shell may pila na ng jeep, ayon, tinopak nanaman ako. Hindi lang mga tungkol sa buhay in general ang mga naririnig ko, sa totoo lang, di ko nga boses un eh, boses ni Jorge, ung bida at best actor nominee sa pelikulang zatti na Tanggapin Mo, directed by Javerri. Ang nagnanarrate naman kanina sa aking utak, past experiences ko, may mga realizations na dumadaan, pag ginana ako, siguro ilalagay ko ung partikular na yon. Tungkol san? San pa ba, edi dun sa bagay na masaya. Pero may kinalaman ang isa ko ditong kaibigan na kinaaasaran ko pero nevertheless kaibigan padin. Eh basta, un na un.

Nakakaasar nga eh, madalas pag ako nagaganun, parang gusto kong itype lahat ang naiisip ko dito, mas masarap un, kasi mababasa ko ulit, at malay mo, may makakita pang iba at maasar sakin. Edi ok.

Pero hindi pwede, minsan nga naiimagine ko na balang araw, lahat ang pumapasok sa utak natin ay naisasave sa isang memory card na nakapasok sa ating katawan, tapos, kapag malapit ka nang mamatay, [pero siguro di ka na mamamatay dito no, kung may ganung teknolohiya nga eh, edi malamang nadiskubre na nila ang pagiwas kay kamatayan..] pwede mo siyang tingnan, pagnilayan. Magreflect kung baga. Kung pwede lang sana, lahat ang naiisip ko, nailalagay na agad dito, para di na magtatype, tapos automatic entry. O diba masaya yun. Pero pano kung galit na galit ka?
Edi puro nakacensored lahat ang nakatype sa automated mind blog mo [wow may pangalan...XD], tapos makikita pa ng ibang tao ang kasamaan mo, kahayupan ng ugali mo. Eto pa masaklap dun, pano kung isang araw ay may nakita kang chicks[EHEM...], edi syempre, kung ano ano na papasok sa isip mo, tapos maitatayp din un sa AMB mo, amp, patay patay ka nian, edi isipin ng tao lahat ng kalibugan mo.
At mas masaklap pa kung may gf ka at madalas niang binabasa ang mga e
ntry mo. [hi cha, miss na kita... ]

Sige na, ambaho nga naman ng idea ko, imahinasyon, mas madaming maidudulot na kasamaan to. Mapapatunayan nga ng sistema na ito na lahat ng tao ay may lahing backfighter. Dahil, isipin mo, lahat naman ng tao, napapagusapan din ng ibang tao diba? Sikulo lang yun. Kaya sa mga tao dian..[eheeeeemmm...] na galit sa mga bf, tignan mo muna sarili mo ha? Wag magmalinis, madumi ka din, pare pareho tayo. Kaya nga naliligo ang tao diba?

Entry ko to dati sa tabulas, medyo edited na din.. pero.. eto..
Wala nga namng nagbabasa eh, pero, salamat na din if ever..magandang araw po..

Thursday, May 05, 2005

mga araw nato..

sa mga araw nato..

definitely boring, nothing much to yank about anyways..maybe thats the reason im frequenting the site update, not the entries..boring talaga..its a good thing na andian si ate..nagiging out of the ordinary ang mga araw..
ehehehe..










good day..or something..

Wednesday, May 04, 2005

wala lang..

Image hosted by Photobucket.com

pic namin nung retreat.. wala lang..
ginawa lang na parang phinotocopy..filtered lang..

Tuesday, May 03, 2005

sa wakas..

malapit na.. sorry kung sabog site..
makipag osohan ka nalang sakin ha.. pfftt..






















un muna..

Sunday, May 01, 2005

dapithapon..

Image hosted by Photobucket.com
ang ganda...matatapos na ang paghihikahos galing sa araw..
parang parating na ang saya..sa susunod na muli ang hirap..
mararamdaman mo na ang tuwa na dulot ng buhay na ito..
ang ganda talaga, halika naman dito, sana tabi nalang tayo..



 



painting ni cjdesilva to..wala lang..salamat..